Nagpalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng cease and desist order laban sa hindi rehistradong Fabunan antiviral injections na sinasabing lunas laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi nag-apply ang mga Fabunan para sa certificate of product registration (CPR).
Pinag-aaralan na rin ng DOH ang posibleng kaso na may kaugnayan sa gamot lalo pa’t kumalat na sa social media ang mga balitang ginagamit na ito sa Zambales.
Dagdag ni Vergeire, saklaw ng FDA ang mga usaping may kinalaman sa mga unregistered drug o vaccine.
Magugunitang nanawagan sa FDA ang Malacañang noong Abril 22 na pag-aralan kung epektibo nga ba ang Fabunan antiviral injection laban sa COVID-19.