Dismayado si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa aniya’y ‘di sapat at hindi epektibong pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga residenteng naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus.
Ito’y matapos mapaulat ang mga pagpila ng ilang oras ng mga residenteng kukuha ng naturang ayuda.
Ayon kay Zarate para lang itong deja vu kung saan tila naulit lang ang eksena noong unang namahagi ng tulong ang gobyerno sa mga tao sa pagsisimula ng pandemya.
Maliban dito pinuna rin ni Zarate ang P1,000 ayuda ng gobyerno na aniya hindi sapat para tugunan ang pangangailangan sa dalawang linggong lockdown.