Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang AFP at PNP na huwag arestuhin ang sinumang hindi tatalima sa mga subpoena ng Senado na nag-i-imbestiga maanomalya umanong pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.
Sa kanyang talk to the people, inihayag ni Pangulong Duterte na pagbabawalan na rin niya ang mga cabinet member na dumalo sa hearing na pinangungunahan ng Senate Blue Ribbon Committee.
Do not ever attempt to arrest anybody kasi ikaw ang arestuhin ko ngayon you will order the police and the military. Ako naman as a Commander in Chief of all uniformed personnel I am ordering the police and the military and everybody to stay out of this trouble wag kayo sumali, wag kayo sumunod kasi may crisis na tayo,” wika ng Pangulong Duterte.
Masyado na anyang binabastos ng Chairman ng kumite na si Senador Richard Gordon ang mga dumadalo sa pagdinig kaya’t dapat lamang na hindi ito siputin.
Nagbanta rin ang punong ehekutibo na sisiklab ang constitutional crisis kung magpupumilit si gordon na ipaaresto ang mga hindi sisipot sa hearing.
There will be a time, I just pray that you will have to intervene, pero ‘wag muna ngayon…Ako kasi grave abuse of discretion, amounting to lack of jurisdiction, sinobrahan mo e’ kapag sinobrahan mo, away na tayo kasi sinobrahan mo, pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino