Pinayuhan ng Food and Drug Administration ang publiko at healthcare professionals na iwasang bumili at gumamit ng hindi sertipikadong COVID-19 test kits.
Partikular na pinag-iingat ng FDA ang publiko sa Norman Biological Technology Novel Coronavirus Antigen testing kit.
Batay sa post-marketing survellaince ng ahensya, ang nasabing antigen test kits ay hindi sertipikado at walang special certification.
Alinsunod sa Food and Administration Act of 2009, ang pagbebenta, importation, exportation, pag-manufacture, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship ng health products nang walang tamang otorisasyon ay bawal.
Wala ring katiyakang ligtas at epektibo ang nasabing test kits dahil hindi ito dumaan sa tamang evaluation.
Nanawagan naman ang FDA sa mga law enforcement unit at LGU na tiyaking hindi naibebenta ang nasabing produkto sa kani-kanilang mga lugar.—mula sa panulat ni Drew Nacino