Nanindigan ang Malacañang na hindi damage control ang ginawang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mag-asawang Zaldy at Lorenza Delos Santos na mga magulang ng pinaslang na binatilyong si Kian Loyd.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi ang Pangulo kundi ang mag-asawang Delos Santos ang siyang humiling sa naturang pulong na ipinaraan sa Public Attorney’s Office gayundin sa VACC o Volunteers Against Crime and Corruption.
Itinanggi rin ni Abella na minamanipula umano ng Pangulo ang mga magulang ni Kian sa kaso nito at iginiit na nagiging objective lamang ang Punong Ehekutibo sa usapin.
Gayunman, sinabi ni Abella na hindi niya batid kung mayruong ipinangako ang Pangulo o binigyan man ng tulong pinansyal ang mga magulang ng binatilyong namatay sa kamay ng pulisya.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE