Nilinaw ng Malakanyang na hindi sinapawan ang trabaho ng Charge D’ Affaires ng Pilipinas sa Amerika sa nakatakdang pagdalo nina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon sa inagurasyon ni US President Elect Donald Trump sa Biyernes, Enero 20.
Ayon kay Andanar, ang Charge D’affaires ng Pilipinas sa Amerika na si Patrick Chuasoto ang opisyal pa ring kakatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na okasyon.
Sinabi ni Andanar na gagampanan nila ni Esperon ang kanilang functions at magkakaroon din sila ng side meetings sa Amerika.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping