Iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi “state of mind” ang nararanasang traffic crisis sa Metro Manila.
Ito ang muling nilinaw ni Tugade makaraang magkaroon ng mis-interpretation ang isang pahayagan sa kanyang sinabi hinggil sa sitwasyon ng trapiko.
Ayon sa kalihim , ang traffic issue ay totoo at hindi state of the mind lamang bagkus ito ay “state of chaos” na kailangang solusyonan sa pamamagitan ng pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Tugade sa publiko na walang dapat ikabahala sa pagbibigay ng emergency traffic powers sa Pangulo dahil limitado lamang ito.
By: Drew Nacino