Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa hindi tamang pag-awit ng Lupang Hinirang.
Sa ilalim ng House Bill 5224, tinaasan na sa 50 hanggang 100,000 Piso ang multa para sa sinumang hindi mai-aawit ng maayos ang national anthem mula sa dating 5 hanggang 20,000 Pisong multa.
Ibig sabihin, mahigpit na susundin ng lahat ang tamang pagbigkas ng mga salita at pag-awit sa tamang tono ng Lupang Hinirang na itinatadhana ng Flag and Heraldic Code of the Philippines.
Layon nitong mai-ukit sa puso’t kamalayan ng mga Pilipino ang diwang makabansa at maituwid ang mga maling kasanayan at paglapastangan sa watawat at pabansang awit ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala
Hindi tamang pag-awit ng Lupang Hinirang papatawan ng mas mataas na parusa was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882