Hindi tatakbo sa pagka-pangulo si Davao Mayor City Sara Duterte sa susunod na halalan.
Ito ang binigyang diin ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sakaling tumakbo si Pangulong Duterte bilang bise presidente ng bansa.
Sinabi ni HNP Secretary General Anthony Del Rosario, maaaring tumakbo na lamang muli ang batang Duterte sa pagka-alkalde sa lungsod ng Davao.
Giit ni Del Rosario, kung sino man ang mapili ng pangulo na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Buong pusong susuportahan ng kanilang partido.
Noong nakaraang araw ay sinabi ng pangulo na kung nais ng anak na tumakbo ay gawin na lamang ito sa mga susunod na panahon.
Gayunpaman, nilinaw ni pangulong duterte pananakot lamang sa kanyang mga kalaban sa pulitika ang binitawang salita na pagtakbo sa pagkabise-presidente ng bansa.