Pananagutin ng Philippine National Police (PNP) ang mga vigilante groups.
Tiniyak ito ni Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP matapos aminin ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na sinasabayan ng mga vigilantes ang kampanya ng PNP laban sa illegal drugs.
Nagsimula na anya ang imbestigasyon upang matukoy ang mga vigilantes at kung saan saang lugar nag-ooperate ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
Drug confirmatory test
Sisibakin sa serbisyo at kakasuhan ang 20 pulis na nag-positibo sa paggamit ng illegal drugs matapos ang confirmatory test.
Tiniyak ni Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP na isasapubliko nila ang pangalan ng mga pulis na nagpositibo sa drug test sa sandaling maipasakamay na ng kanilang supervising commanders ang listahan mula sa PNP Laboratory.
Ayon kay Carlos, nagpapatuloy ang drug test sa lahat ng pulis sa buong kapuluan kayat asahang madaragdagan pa ang mga sisibaking pulis.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
By Len Aguirre | Ratsada Balita