Hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi nalilinis ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mag-viral sa social media ang hashtag “#wag_kalimutan_yung_binulsang_15billion_sa_philhealth_challenge.”
Katunayan, ayon kay Roque, isinasapinal na ng Department of Justice, sa pamamagitan ng binuong Task Force PhilHealth, ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng ahensya.
Matatandaang ibinunyag ni anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith na nasa P15-B pondo ang di-umano’y ibinulsa ng mga PhilHealth officials.