Sadyang hindi umalis ang puwersa ng mga sundalong Amerikano.
Ayon ito kay Bayan Party-List Representative Carlos Isagani Zarate matapos aminin ng militar na nagbibigay ng technical support ang US troops sa pakikipag bakbakan ng gobyerno sa Maute Group sa Marawi City.
Sinabi sa DWIZ ni Zarate na hindi naman talaga pinull-out ang tropa ng mga sundalong Amerikano kahit noong 2001 at sa katunayan ay mayroong mga kabilang pa sa mga nasawi noong Mamasapano Massacre.
“Hindi umaalis itong mga dayuhang Amerikano. Ang mga Amerikano dyan, in fact, kahit pumunta ka dyan sa Marawi, merong parte ng kampo dyan hindi pwedeng pasukin kahit ng ordinaryong Pilipinong sundalo, ‘yan ay exclusive sa mga Amerikano at kahit na dyan sa, pumunta ka rin sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City meron din sila dyan.”
“Hindi sila dyan umaalis, ‘yun nga ang nakakapagtaka dyan. Since 2001, after silang mapaalis sa Clark and Subic noong 2001 noong malagdaan yung visiting forces agreement, hindi naman talaga bisita yung ginawa nila, nandiyan na sila lahat”, paliwanag ni Zarate.
Binigyang diin pa ni Zarate na ang nasabing hakbang ng US troops ay patunay lamang nang pagpapalakas ng kampanya nito kontra terorismo partikular sa Souteast Asia na Pilipinas ang ginagamit.(zarate 2)
“Despite all these support, technical assistance and alam naman natin yang technical assistance na ‘yan kapag pupunta ka ng Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao at kahit na sa mainland Mindanao, sa Zamboanga, sa Lanao, kasa-kasama talaga sila.”
“Yan ang sinasabi natin na habang nandyan sila, dahil part ito ng kanilang war of terror ay para nang naging kadena ng kanilang maduming gyera dito sa Southeast Asia ang Mindanao, ang Pilipinas, lalong-lalo na ang Mindanao”, ani Zarate.
By Judith Larino