Nagbanta ng malawakang tigil-pasada ang tatlo sa malalaking transport group dahil sa hindi umano patas na pagbibigay ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (L.T.F.R.B.)
Idinadaing ng mga transport group na ACTO, FEJODAP at ALTODAP ang pagpabor umano ng L.T.F.R.B. sa Pasang Masda matapos matanggap ng grupo ang karamihan ng prangkisa para sa ruta na daraanan ng mga modernong jeep.
Ayon kay ACTO President Efren de Luna, pangulo ng ACTO, kumikiling lamang si L.T.F.R.B. Chairman Martin Delgra sa Pasang Masda kaya’t ang kanilang tanong ngayon ay kung saan ilalagay ang mga sobra o lumang Jeep.
Iginiit naman ni FEJODAP President Zeny Maranan na dapat ay bayaran na lamang ng ahensya ng 200,000 ang bawat lumang jeep na i-pe-phaseout at magbitiw na lamang si Delgra.