Hinihimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ng mga pribadong kompanya na magpatupad paid isolation at quarantine leave program.
Sa inilabas na advisory ng labor department, dapat na tiyakin ng mga employer ang kaligtasan at ‘humane working conditions’ ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng pagsunod sa general labor standards at occupational safety and health standards.
Sa konsultasyon na rin sa mga empleyado, sinabi ng DOLE na dapat rin na naaayon ito sa mga umiiral na labor law at collective bargaining agreement at ang nasabing leave program ay hindi dapat makaapekto sa ibang mga benepisyo gaya sa Social Security System (SSS) at employees’ compensation commission.
Pinaalalahanan rin ng ahensya ang mga empleyadong may sintomas ng COVID-19 o close contact na agad na mag-isolate agad sa bahay o quarantine facilities.