Agad na nasawi ang isang hinihinalaang Abu Sayyaf Coddler matapos na makasagupa ng mga tauhan ng Philippine Marines sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Philippine Marine Corps o PMC Public Information Officer Capt. Rowena Dalmacio, nagsasagawa ng clearing operation ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Tubig-Puti, Luuk, Sulu nang bigla na lamang silang paputukan ng umano’y ASG coddler na nagresulta sa limang minutong palitan ng putok.
Agad na nasawi sa naturang sagupaan ang umano’y ASG coddler na kinilalang si Muksidin Dadil.
Narekober kay Dadil ang iba’t-ibang klaseng live ammunitions, isang bolo, apat na assorted uniforms, dalawang cellphone na walang simcard at tatlong id na may mga pangalang Rodelyn Kadil at Muksidin Kadil.
Pinapurihan naman ni Philippine Marine Ready Force-Sulu Commander Col. Armel Tolato ang kaniyang mga tauhan dahil sa matagumpay na kampanya laban sa terorismo.