Natagpuan ang bangkay ng hinihinalang isang babaeng Drug Lord sa Maynila kaninang madaling araw.
Katabi ng katawan ng biktima ang karatulang may nakasulat na “Chinese Drug Lord.”
Ayon sa mga testigong nakakita sa nakahandusay na bangkay sa likod ng National Press Club Building sa Calle Muelle Del Rio, may tapal na duct tape ang bibig nito, nakatali ang mga kamay, at may mga tama ng baril sa tagiliran at pisngi.
Batay sa obserbasyon ng mga otoridad, mukhang galing sa mayamang pamilya ang biktima.
By: Avee Devierte