Patay ang isang hinihinalang bomber matapos makasagupa ang mga otoridad sa boundary ng Maguindanao at Sultan Kudarat.
Ayon kay Senior Supt. Raul Supiter, Provincial Commander ng Sultan Kudarat Police pasasabugin na sana ng suspek ang granadang hawak nito nang pagbabarilin ng mga otoridad.
Ang labi ng suspek na nakilalang si Abubakar Upam alias Tho ay hindi pa kaagad nakuha dahil sa pampasabog na naiwan sa tricycle nito.
Ibinunyag ng Sultan Kudarat Police na nakakatanggap sila ng mga bomb threats simula pa nuong nakalipas na buwan.