Binalaan ni presumptive president Rodrigo Duterte ang sektor ng enerhiya.
Ito’y bunsod umano ng posibleng mala-kartel nitong operasyon na nagpapahirap sa mga consumers.
Giit ni Duterte, hindi dapat kino-kontrol ng energy sector ang industriya dahil kapag nangyari ito ay bubuksan niya rin umano ang kompetensya para sa lahat.
Inihalimbawa ng incoming president ang solar na dating mahal pero unti-unti na umanong bumabagsak ang presyo nito sa Europa.
Telcos
Nagbanta si presumptive president Rodrigo Duterte na bubuksan niya ang pinto para sa mga dayuhang telecommunications companies.
Ayon kay Duterte, ito ay kapag hindi napaganda ng mga telco sa bansa ang kanilang serbisyo para sa mga Pilipino.
Paliwanag ng incoming president, kapag naging bukas na sa lahat ang kompetisyon ay gaganda na ang internet service at tiyak na bababa ang halaga nito.
Matatandaang nagpahayag na ng interes ang Australian telco firm na Telstra para sa isang joint venture sa San Miguel Corp. pero hindi ito natuloy.
By Jelbert Perdez