Isang bloke ng hinihinalang Cocaine ang natagpuang palutang lutang sa baybaying bahagi ng barangay Apad Jomalig Quezon, 3PM, kahapon.
Ayon kay Jomalig Police Station Officer in Charge Lt. Laudemer Abang, tinatayang may timbang na isang (1) kilo ang narekober na cocaine.
Habang umaabot naman sa P5 milyon ang posibleng halaga nito.
Batay sa ulat, 5AM kahapon nang makita ng isang residente ang kahinahinalang ‘brown package’ sa baybayin ng barangay Apad.
Agad naman itong inireport kay Sanggunian Bayan member Nelmar Sarmiento at saka itinurn-over sa pulisya.