Ilang residente sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur ang namameligrong makasuhan dahil sa pagkatay ng isang hinihinalang endangered na pating.
Ayon kay Barangay Sabangan Chairman Oscar Agbulos, naabutan na lang umano ng mga tanod na nagkukumpulan ang mga tao sa bukid kung saan kinatay at ipinamigay ang karne ng pating.
Natagpuan anya ang nasabing hayop sa dalampasigan kung saan ito hinila at pinagpapalo bago kinatay.
Inihayag naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kailangang matukoy kung anong uri ng pating ang kinain ng mga residente dahil maaring isa itong endangered species na hindi dapat patayin. —sa panulat ni Mara Valle