Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng PNP CIDG at militar ang isang hinihinalang foreign terrorist sa isang hotel sa Iba, Zambales.
Arestado sa bisa ng warrant of arrest mula sa Mariveles Regional Trial Court si Cholo Abdi Abdullah, isang Kenyan national na di umano’y konektado sa Al Gaeda Terrorist Group.
Nakuha mula sa tinutuluyan ni Abdullah ang isang 9mm pistol, isang improvised explosive at isang granada.
Nahaharap si Abdullah sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at Republic Act 9516 o Law on explosives.
(with report from Jaymark Dagala)