Iniimbestigahan ngayon ang isang importer ng health-care products na sinasabing may kaugnayan sa shipment ng 20,000 undeclared Ivermectin tablets na nakuha sa NAIA.
Tinukoy ni Customs Spokesperson and Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang Finstad Inc. na posibleng makasuhan dahil sa paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 dahil sa importasyon ng hindi rehistradong gamot.
Posible ring ipagharap ang kumpanya sa kasong may kaugnayan sa smuglling.
Ani Maronilla, ito ang unang pagkakataon na nahulihan ang Finstad Inc. Ng misdeclared items dahil lahat naman aniya ng kanilang shipment ay nasusuring mabuti at kung ano ang mga idineklara nilang gamit ay iyon naman ang dumarating.
Sa ngayon ay wala pa ring nakukuhang sagot mula sa panig ng naturang kumpanya.