Isang hinihinalang impostor ni Interior Department Officer-In-Charge Eduardo Año ang naaresto ng mga otoridad.
Kinilala ang suspek na si Vimbi Avilla na nadakip ng Philippine National Police sa Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna.
Ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, naaresto na rin noon si Avilla ng National Bureau of Investigation dahil sa pagpapanggap at paggamit sa pangalan ng mga mataas na government official para makapangikil.
Kabilang sa mga ito sina dating Vice President Jejomar Binay, dating National Irrigation Authority Administrator Peter Laviña, Transportation Secretary Arthur Tugade at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla.
Napag-alaman din anya ng P.N.P. na si avilla ay miyembro umano ng “Basa crime GROUP” na sangkot sa extortion, usurpation o pangangamkam ng lupain, gunrunning at iba pang iligal na aktibidad.
Nakumpiska mula sa suspek ang caliber 38 revolver, granada, apat na cellphone at iba’t ibang resibo ng mga pawnshop at remittance.