Inaresto ng Philippine National Police o PNP sa Mabalacat, Pampanga ang isang Iraqi national na umano’y expert sa paggawa ng bomba at rockets.
Kinilala ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang dayuhan na si Taha Mohammed Al Jabouri, 64-taong gulang at miyembro umano ng teroristang Hamas sa Damascus sa Israel.
Nabigyan aniya ng tip ang mga awtoridad dahil sa inilabas na red notice kaugnay sa presensya ni Al Jabouri.
Si Al Jabouri ay isang chemist at engineer at blacklisted ng Iraqi Embassy.
Inihayag naman ni Al Jabouri na wala siyang terroristic plan at ang pagtungo niya sa Pilipinas ay may kinalaman lamang sa pagnenegosyo niya.
(Ulat ni Jonathan Andal)