Nakubkob ng militar ang hinihinalang kampo ng New People’s Army sa bayan ng Lopez, Quezon.
Ayon kay Col. Teody Toribio, spokesman ng AFP-Southern Luzon Command, nagpa-patrol ang mga miyembro ng 85th Infantry Battalion sa barangay ng Jongo, nang maka-engkwentro ang nasa 20 rebelde.
Bagaman tumagal anya ng 15 minuto ang sagupaan hanggang sa umatras at magpulasan ang mga rebeldeng komunista, wala namang nasugatan sa panig ng militar habang hindi mabatid kung may nalagas sa hanay ng kalaban.
Kabilang sa mga narekober sa kampo ang labinlimang kubo; dalawang m16 rifles, isang m203 grenade launcher, anim na container na naglalaman ng iba’t ibang pampasabog at blasting caps, limang sako ng bigas, generator.
Naniniwala naman Toribio na dahil sa pagkaka-kubkob sa kampo ay napigilan nila ang mga tangkang pag-atake ng mga rebelde sa mga government at private facility.