Nasakote ang isang lalaki na hinihinalang karnaper sa ikinasang operasyon sa Upper Calachuchi, Brgy. Pembo, Makati City.
Si Eric Mata, 48 taong gulang, ay Top 8 Most Wanted Person ng Makati Police para sa 2nd quarter ng taong kasalukuyan.
Nabatid na si Mata ay may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act sa sala ni Judge Monique Quisumbing-Ignacio ng Mandaluyong City RTC Branch 209.
Tatlong daang libong piso ang rekomendadong piyansa laban sa akusado.