33 hinihinalang kaso ng dengue ang nailata sa isang evacuation center sa Makilala, Cotabato Province.
Napag-alamang karamihan sa mga hinihinalang may dengue ay mga bata hanggang sa may edad na 24 na taong gulang.
Ayon sa barangay health workers, posibleng nagmula sa kalapit na rubber plantation ang mga lamok na may dalang dengue.
Mahigit sa 170 pamilya ang naninirahan sa evacuation center matapos ideklarang high risk, ang kanilang lugar na tinitirhan sakaling magkaroon ng lindol.
Batay sa datos, pumapangalawa ang bayan ng Makilala sa Kidapawan City sa may pinakamaraming kaso ng dengue.