Umabot na sa 23 tao ang binabantayan ng Department of Health dahil sa hinihinalang kaso ng novel coronavirus (NCov).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 17 sa suspected cases ay nasa Metro Manila habang 2 naman sa Central Visayas.
Habang tig isang kaso sa Western Visayas, Mimaropa, Eastern Visayas at Davao.
Apat sa naturang mga pasyente ang na-dicharged at nag negatibo na sa NCov.
Samantala, namatay na kahapon ang isang person under investigation na naka–admit sa San Lazaro Hospital dahil sa sakit na pneumonia at nagpositibo sa HIV ngunit hindi pa makumpirma kung mayroon itong NCov.