Nasa kamay na ng PNP-SOCO ang natagpuang katawan na hinihinalang pag-aari ng Canadian national na pinugutan ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command, mas magandang antayin na lamang ang resulta ng pagsusuri ng PNP-SOCO sa katawan at sa nauna nang natagpuang ulo di umano ni John Ridsdel, isa sa apat na binihag ng Abu Sayyaf sa Samal Island noong nakaraang taon .
Kinakailangan anyang makasiguro dahil ang katawan ay natagpuan may 15 hanggang 20 kilometro ang layo mula sa kinatagpuan sa ulo, sa harap ng Jolo Sulu Municipal Hall.
Bahagi ng pahayag ni WESMINCOM Spokesman, Major Felimon Tan
Operation vs ASG
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila tatantanan ang Abu Sayyaf.
Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command, mismong sina acting AFP Chief of Staff Glorioso Miranda at Army Chief, Major General Eduardo Anio ang nagtungo sa WESMINCOM upang paalalahan ang puwersa hinggil sa direktiba ng Pangulong Benigno Aquino III na pulbusin na ang Abu Sayyaf.
Gayunman, sinabi ni Tan na hindi madaling gawin ang pagpulbos sa Abu Sayyaf dahil palipat-lipat ang mga ito ng kampo.
Bahagi ng pahayag ni WESMINCOM Spokesman, Major Felimon Tan
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: AFP file photo