Patay ang hinihinalang lider ng CPP – NPA at dalawang iba pa sa nangyaring shoot out sa Antipolo City.
Ayon kay Philippine Army 2nd Infantry Division Public Affairs Office Head Captain Jayrald Ternio, nasawi ang rebeldeng si Armando Lazarte alyas Pat Romano sinasabing secretary ng CPP –Southern Tagalog Regional Party Committee Sub – Regional Military Area 4A.
Kinilala ang isa pang nasawing si alyas Ka Bisaya na sinasabing NPA platoon leader sa rehiyon habang hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang rebelde.
Magkasama ang mga pulis at sundalo bitbit ang warrant of arrest nang magtungo ang mga ito sa safe house ni Lazarte sa Sierra Vista Subdivision sa barangay Cupang.
Una nag nagpaputok ang mga rebelde kaya tumugon naman dito ang mga pwersa ng pamahalaan.
Nakuha sa mga rebelde ang isang M16 rifle, isang 9mm pistol, isang .45 baril, dalawang granada, laptop, cellphone at mga dokumento.
Si Lazarte ang ikalawang high ranking communist rebel leader mula sa Southern Tagalog na neutralize ng militar sa nakalipas na siyam na araw kung saan unang naaresto si jaime Ka Diego Padilla na naaresto sa isang ospital sa San Juan.