Patay ang isang umano’y lider ng NPA matapos maka-engkuwentro ang mga otoridad sa Pavia, Iloilo.
Sa report ng third infantry division ng Philippine Army kinilala ang nasawi na si Reynaldo Bocala, pinuno ng regional finance bureau ng NPA Regional Committee – Panay.
Si Bocala ay napatay noong Biyernes ng gabi matapos manlaban sa mga otoridad na nagsisilbing ng arrest warrant sa kanya.
Kasama ring nasawi ni Bocala ang isang Welly Epago Arguelles at kapwa nakuha sa mga ito ang dalawang pistola, isang laptop at limang cellphone.
1990 nang kasuhan sa korte sa Antique si Bocala dahil sa murder at inireklamo ng robbery in band with frustrated murder ang damage to property bukod pa sa kasong robbery with serious physical injuries noong 2005 kung kailan din ito inakusahan ng destructive arson.