Isang hinihinalang commander ng MILF ang inaresto sa ikinasang buy bust operation sa Antipolo City.
Nakilala ang suspek na si Jamel Borar na nakuhanan ng MILF I.D. at umano’y brigade commander ng 119th base command ng NEMF-BIAF na nakabase sa Dilabayan Bubong, Lanao Del Sur.
Si Borar ay wanted din sa kasong pananambang sa mga opisyal ng PDEA sa Lanao Del Sur.
Timbog din ang tulak ng droga na si Princess Lumpa alyas ‘Ida Muslim’.
Narekober sa mga suspek ang isang sachet ng shabu na handa nang ibenta, siyam na medium size sachets na nagkakahalaga ng P375,000 at buy bust money.
Nahuli ang wanted na si Borar sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Lanao Del Sur RTC sa Marawi City.