Arestado ang isang hinihinalang miyembro at financier ng bandidong Grupong Abu Sayyaf sa Quezon City.
Kinilala ito na si Abulbatta Abubakar alyas Kitong o Imran.
Ayon sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region o PNP – CIDG NCR Chief; Senior Superintendent Wilson Asueta, inaresto si Abubakar dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa insidente ng pagdukot noong 2000 sa Sipadan Sabah, Malaysia.
Batay sa intelligence report ng pulisya, nagpapadala ng pera si Abubakar kina Abu Sayyaf Leaders Radullan Sahiron at Isnilon Hapilon habang ito’y nasa Jeddah, Saudi Arabia mula 1997 hanggang ngayong taon.
Una nang inaresto si Abubakar nitong Setyembre 26 nang dumating ito mula Saudi Arabia, pero pinakawalan din agad ng Bureau of Immigration o BI dahil sa kakulangan ng ebidensya.
LOOK: Abulpatta Abubakar alias Kitong/Imran, alleged Abu Sayyaf member and finacier, arrested by CIDG NCR in Quezon City @dwiz882 pic.twitter.com/nlOnWWvTOz
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 31, 2017