Patay ang isang miyembro umano ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos manlaban sa mga awtoridad sa Sulu.
Kinilala ang suspek na si Almujir Yadah na sinasabing isang sub-leader ng ASG at miyembro ng isang private armed group sa ikalawang distrito ng lalawigan.
Ayon sa PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), nagbebenta umano si Sahid ng mga armas o high-powered firearms sa ASG at sa ilang kidnap-for-ransom groups sa Zamboanga City at Sulu.
Isang operatiba ng AKG ang nakabili ng baril at mga pampasabog mula kay Sahid sa Barangay Kansipat sa bayan ng Panamao.
Ngunit nakatunog umano si Sahid na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya’t kumuha ito ng baril hanggang sa mapatay ito ng mga awtoridad.