PATAY ang isang umano’y miyembro ng New People’s Army o NPA habang arestado naman ang apat na iba pa sa magkahiwalay na sagupaan sa Bukidnon.
Ayon kay Brig. Gen. Ferdinand Barandon, 403rd Brigade commander, nagka-bakbakan ang mga sundalo at mga rebelde sa Talakag at Valencia City.
Maliban sa mga nasawi at nahuli, kabilang ang dalawang menor de edad, nakasabat din ang militar ng anim na matataas na uri ng armas.