Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng lokal na teroristang grupo dahil umano sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Datu Omar Palty alyas “Allan Palte” 26 anyos residente ng Pasig City.
Ayon kay Quezon City Police District, hinihinalang miyembro si Palty ng Daulah Islamiya Group.
Nahuli si Palty matapos magpanggap ang isang pulis na bibili ng baril sa Barangay North Fairview.
Nang magkaabutan na ng kalibre 45 at P10,000 bilang bayad, dito na hinuli ng mga pulis ang suspek.
Haharap sa kasong paglabag sa comprehensive firearms and ammunition regulation act at illegal possession of explosives si Palty.