Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang sugatan ang isang sundalo sa pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Labo, Camarines Norte.
Ayon kay Philippine Army 96th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Luzmindo Mamauag, humigit kumulang sa 15 NPA members ang kanilang naka-engkuwentro sa Barangay Submakin, pasado alas-6 kaninang umaga.
Ani Mamauag, resulta ang pagbabakan ng pina-igting na community support program ng pamahalaan na dahilan ng pag-alma ng mga miyembro ng NPA.
Samantala, sinabi ni AFP Southern Luzon Command Spokesperson Lt. Col. Dennis Cana, kanilang narekober ilang mga naiwang armas ng rebelde sa resulta ng bakbakan habang nagpapatuloy naman ang kanilang pursuit operation.