Patuloy na binobomba ng militar ang mga hinihinalang posisyon ng Pro-Islamic State Group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa boundary ng Maguindanao at North Cotabato.
Ayon kay Capt. Nap Alcarioto, spokesman para sa 6th infantry division, katuwang ng militar ang Philippine Airforce na nakatutok sa aerial attack.
Nakikipag-sagupaan anya ang army sa BIFF faction na pinangungunahan ni Commander Abu Toraypie, na kaalyado ng Maute-ISIS.
Ilan umano sa mga tauhan ni Toraypie ay nakatakas mula sa Marawi City.
Samantala, mahigit 2000 residente na ang apektado sa kaguluhan.