Dalawang hinihinalang rocket debris na may bandila ng China ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan ng Occidental Mindoro.
Ayon kay Calintaan MDRRMO head Joven Gequinana, dalawang piraso ng basura ang nakita ng mga mangingisda nitong Lunes at Martes na inanod sa baybayin ng Barangay Poblacion.
Makikita sa mga basura ang pinta ng bandila ng China.
Nakatakda namang magpulong ngayong araw ang lokal na pamahalaan ng lugar at Philippine Coast Guard para pag-usapan kung ano ang gagawin sa mga kalat.
Noong Hulyo, una na ring bumagsak sa karagatan ng Pilipinas ang mga debris mula pa rin sa rocket ng China.
Patuloy naman ang abiso ng Philippine Space Agency sa publiko na mag-ingat lalo’t kakalunsad pa lang noong October 31 ng Long March 5-B ng China.