Patay ang hinihinalang sub-leader ng isang kidnap-for-ransom group matapos umano manlaban sa mga awtoridad sa barangay Mampang Zamboanga City.
Kinilala ang nasawing suspek na si Samad Awang alyas Ahmad Jamal na sinasabing sub leader ng Abdussalam Group.
Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. General Corleto Vinluan Jr., naglabas ng baril at unang pinaputukan ni awang ang mga pulis at militar na nagsilbi ng warrant of arrest laban sa dito.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ni Awang.
Sinabi ni Joint Task Force Zamboanga Chief Col. Antonio John Divinigracia, nahaharap si Awang sa kasong paglabag sa article 267 ng revised penal code o serious illegal detention, kidnapping at hostake taking.
Nasa number 25 din aniya si Awang sa listahan ng mga wanted para sa kidnap for ransom at nanguna sa pagdukot sa mga biktimang sina Joel Endino, Italian Priest na si Giancarlo Bossi at Kathy Casipong.