Napatay ng mga pulis ang isang hinihinalang terorista na biglang nanaksak ng dalawa katao sa Streatham, South London.
Ayon sa London Metropolitan Police, patuloy na ginagamot sa ospital ang lalaking biktima ng pananaksak habang ang isa pang babaeng biktima ay nagtamo lamang ng maliliit na sugatan.
Ayon sa pahayag ng mga testigo, may dalang machete ang suspek at may suot ding kulay pilak na canister na ginamit nito bilang pekeng bomb device.
Idineklara naman ng London Metropolitan Police ang insidente ng pananaksak bilang terrorist attack at posibleng may kaugnayan sa aktibidad ng mga Islamist extremist.