Tumaas ng 10 porsyento ang hinihinging pondo ng Office of the President para sa susunod na taon.
Una nang ipinresenta ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa Kongreso ang hinihinging pondo na nagkakahalaga ng P2.825 billion budget plan, mas mataas ito ng P258 million mula sa kasalukuyang budget na P2.567 billion pesos.
Ayon kay Ochoa, ang pagtaas ng hinihinging pondo ng Office of the President ay dahil sa tumaas na funding requirement sa personnel services at capital outlays.
Sa ilalim ng Office of the President, sineserbisyuhan ang executive, technical and management services, advisory services,legal services at presidential executive staff services para sa Presidente.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)