Makatwiran ang hinihingi ng SSS o Social Security Sytem na taasan ang premium contribution ng kanilang mga miyembro.
Ito’y ayon kay Senador Richard Gordon ay upang patuloy na mapondohan at humaba pa ang buhay ng SSS.
Gayunman, sinabi ni Gordon na kailangan pa ring hingan ng opinyon ang taumbayan hinggil sa pagtataas ng kontribusyon.
Iginiit din ni Gordon na nararapat lamang na idaan sa pag-apruba ng Pangulo ang anumang pasya sa pagtataas sa kontribusyon sa SSS.
Kasunod ito ng hiling ng SSS na bumuo ng batas na magbibigay kapangyarihan sa ahensya na magtaas ng premium contribution nang hindi na kinakailangang aprubahan ng Pangulo.
Posted by: Robert Eugenio