Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro sa tropa ng militar sa Barangay Taromata, Bulan, Sorsogon.
Ayon kay Lt. Col. Henrito Managay, Commanding officer ng 22 infantry battalion, nagsagawa ng security operations ang kaniyang mga tauhan matapos makatanggap ng impormasyon na may presensya ng rebeldeng grupo sa lugar
Nakasagupa ng tropa ang nasa 20 rebelde.
Tumagal ng 15 minuto ang engkwentro kung saan nasawi ang isang rebelde.
Agad namang tumakas ang mga ito matapos mabatid na napatay ang isa nilang kasamahan.