Hinimok ni Congresswoman Leni Robredo ang kampo ng kanyang karibal sa pagka-Bise Presidente na si Senador Bongbong Marcos na tanungin ang Iglesia Ni Cristo o INC kung bakit wala itong boto sa ilang lugar.
Una nang nagpahayag ng pagdududa ang kampo ni Marcos kasunod ng election results na nagpakitang wala itong boto sa ilang lugar tulad ng Basilan, gayung may kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lugar.
Tinatayang may halos Dalawang Milyong kasapi ang Iglesia Ni Cristo na inasahang magba-bloc vote para kay Marcos na inendorso nila sa pagka-Bise Presidente nitong nakaraang halalan.
By: Avee Devierte