Kaliwa’t kanan ang natatanggap na proyekto ng host na si Herlene Budol o mas kilala sa tawag na “Hipon Girl” matapos madiskober sa programang Wowowin.
Bukod sa mga Youtube Collaborations ni Herlene kasama ang ilang sikat na mga vloggers, bibida ito sa mismong kwento ng kaniyang buhay sa real-life drama na Magpakailanman bilang first major role niya.
Ayon sa host, hindi niya mapigilang sabihin kung sino ang pinapantasya niyang makasama o maka-kissing scene.
Aniya kung siya ang magdedesisyon, ang mga aktor na sina Dennis Trillo, Ruru Madrid at Alden Richards ang kaniyang pipiliin.
Samantala, sinabi ni Herlene na kung magkakaroon siya ng proyekto kasama ang mga nasabing aktor ay tiyak na marami ang abangers. —sa panulat ni Airiam Sancho