Nangibabaw si Hipon Girl Herlene Budol sa pagparada ng binibining pilipinas contestant ng kanilang gowns para sa Grand Santacruzan Event.
Naganap ito noong Sabado sa Araneta Cubao sa Quezon City.
Sa official Facebook page ng Binibining Pilipinas, makikita ang ‘stunning look’ ni Herlene suot ang mermaid-cut pink gown na may asul na perlas at malaking headdress.
Nagkakahalaga ang gown ng P150-K.
Patuloy naman ang pasasalamat ni Herlene sa kaniyang mga tagasuporta.