Ipinagmalaki ni Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” ang kanyang napanalunang korona at mga sash sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2022.
Bukod sa paghakot nito ng pitong special awards ay nagtapos si Herlene bilang 1st runner up sa naturang beauty pageant.
Sa instagram, nag-posing si herlene sa harap ng kamera kasama ang korona at mga sash, kung saan may caption ito na, “Kung kaya ko kaya mo din, wag kang matakot na ipakita kung ano ang meron ka. Binibining hindi inaasahan because I know for myself that i am uniquely beautiful with a mission”.
Samantala, umabot naman sa mahigit animnapung libo ang pumuso sa naturang IG post ng komedyana.