Inirekomenda ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force na itaas na sa 100% ang passensger o seating capacity sa mga Public Utility Vehicle (PUV) mula sa kasalukuyang 50%.
Sa hearing ng Senate Sub-Committee on Finance, inihayag ni DOTr Assistant-Secretary for road transport and Infrastructure, Atty. Mark Steven Pastor, na sumulat na sila sa IATF sa hirit na itaas ang capacity.
Ayon kay Pastor, isa rin ito sa nakikita nilang paraan upang maiwasan ang hirit ng mga transport group na taas-pasahe sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Pero bago nito, pinuna nina Senators Nancy Binay at Imee Marcos na hindi naman natutupad ang 50% capacity sa mga PUV. —sa panulat ni Drew Nacino mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)