Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na ibalik ang serbisyo ng mga nadeactivate na transport network vehicle service (TNVS).
Ayon kay sa LTFRB, handa nitong pakinggan ang mga hinaing ng mga aplikante, drayber at operator ng TNVS ngunit mananatili ang mandato nito para sawatahin ang mga colorum na pampublikong sasakyan.
Dahil aniya walang kaukulang prangkisa ang na deactivate na unit ay hindi ito otorisadong magbyahe at magsakay.
Una nang nanawagan ang mga nadeactivate na TNVS na bigyan sila ng pagkakataon na iayos ang kanilang mga permit upang muling makapaghanapbuhay.